Tinatayang 100 armadong miyembro mula umano sa grupong Islamic State ang namataan ng Moro Islamic Liberation Front sa Buldon, Maguindanao.
Ayon kay M.I.L.F. Spokesman Von Al Haq, agad niyang pinaberika sa kanilang mga tauhan ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na may mga armadong lalaki sa Buldon na kalauna’y napatunayang totoo.
Gayunman, hindi anya nila matiyak kung plano ng mga armadong lalaki na tumulong sa mga nalalabing miyembro ng ISIS-Maute sa Marawi City, Lanao Del Sur.
Sinabi ni Al Haq na posibleng patungo sa bayan ng Butig, Lanao Del Sur ang armadong grupo lalo’t malapit lamang ito sa Buldon.
Sa Butig umusbong at nagsimula ang grupong Maute at nagsilbing training ground ng kanilang mga miyembro
By: Drew Nacino
SMW: RPE