Nagpetisyon sa Korte Suprema ang ilang grupo na pahintuin ang Commission on Elections (COMELEC) sa pagsisikap nitong maging automated ang halalan sa susunod na taon.
Sa petisyong inihain ng mga grupong Kilusang Bagong Lipunan, Partido ng Manggagawa at Magsasaka, at Movement for National Salvation, sinabi ng mga ito na marapat lang na may transparency sa bawat halalan at kailangan makita ng mga botante na bilang ang kanilang mga boto.
Dagdag pa ng mga grupo, dapat ay binibilang ang mga boto sa publikong lugar at sa harap mismo ng mga tagabantay.
Kaya naman isinusulong ng mga nasabing grupo na sa halip na automated ang 2016 elections ay ibalik na lamang ito sa manual kung saan mas makikita kung may pandarayang naganap.
By Avee Devierte