Bukod sa mga magulang, dapat ding pasalamatan ang mga guro na matyagang iniaalay ang kanilang buhay at kaalaman para makasigurado na handa ang mga estudyante sa pagtatapos nila ng pag-aaral. Katulad na lang ng dedicated teacher na ito na nakuhanang nagtatrabaho pa rin hanggang sa huling sandali ng kaniyang buhay.
Kung ano ang kwento ng dedicated teacher na ito, eto.
Taong 2020 nang mag-viral ang pinost ni Sandra Venegas na picture ng kaniyang ama habang nakaupo sa hospital bed nito at nagtatrabaho sa kaniyang laptop.
Ang tatay kasi ni Sandra na si Alejandro Navarro ay isang mathematics teacher sa Del Rio Middle School na matatagpuan sa Del Rio, Texas.
Ayon kay Sandra, siniguro ng kaniyang ama na kasama ang laptop at charger nito sa mga gamit na dadalhin nila sa ospital nang kinailangan itong i-admit.
Bagama’t may iniindang sakit, pinairal ni Alejandro ang pagiging selfless at kahit na nasa ICU ay ginawa pa rin nitong priority ang pagche-check sa papel ng mga estudyante at pagfa-finalize ng grades ng mga ito para sa progress report.
Sa kasamaang palad, matapos asikasuhin ni Alejandro ang grades ng mga estudyante ay binawian din siya buhay.
Sa kaparehas na post, nagbigay-pugay si Sandra sa lahat ng mga guro na hindi ininda ang pandemya at sariling kalusugan basta’t maibahagi lang sa mga estudyante ang personal nilang kaalaman.
Nagpaalala rin ito sa mga kaanak ng mga guro na huwag pagtrabahuhin ang mga ito kapag hindi na oras ng trabaho at hikayatin na magpahinga.
Bagama’t kadalasan ay hindi nagbibigayng pagkilala ang ginagawang sakripisyo ng mga guro, nagsisilbing paalala ang kwento ni Alejandro na bukod sa mga magulang, nandito ang mga guro na matyagang gumagabay at nagsisilbing instrumento para mapunta sa tamang landas at mahubog ang mga estudyante para sa kaniya-kaniya nilang mga kinabukasan.
Sa mga estudyante diyan, naaalala niyo pa ba na magpasalamat sa mga teacher niyo o nagagawa niyo lang ito kapag teacher’s day?