Maglulunsad ang Government Service Insurance System (GSIS) ng housing program katuwang ang ilang ahensya ng pamahalaan para sa mga government worker sa susunod na taon.
Lumagda sa isang Memorandum of Understanding (MOU) ang GSIS, PAGIBIG Fund, SSS, Landbank of the Philippines at Development Bank of the Philippines.
Target ng programa na mabigyan ng bahay ang mahigit 6-M pamilya ng mga government worker sa bansa sa ilalim ng pambansang pabahay para sa pilipino program.
Sa ilalim ng programa, isasagawa ang paggawad sa housing units sa pamamagitan ng lease rights na may maximum na 100 years.
Nangangahulugan ito na may karapatan ang awardees na magamit ang bahay sa pamamagitan ng pagbabayad ng buwanang renta.
Samantala, igagawad lamang ang Sale of Rights sa first-time homebuyers, Pag-Ibig Fund members at minimum wage earners. —sa panulat ni Hannah Oledan