Umaangal na ang grupong Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) sa pagbaha ng imported na karneng manok at baboy sa merkado.
Ayon kay SINAG chairman Rosendo So, lumiliit na ang kinikita ng mga local hog at chicken producer sa gitna ng pamamayagpag ng imported na karne.
Marami aniyang backyard raisers ang posibleng mamuhunan na lamang sa ibang negosyo.
Dahil dito nananawagan na ang Sinag sa Department of Agriculture (DA) na maghinay-hinay sa pag-aangkat lalo’t lumampas na sa itinatakdang minimum access volume ng world trade organization ang supply ng imported na karne sa bansa.