Naglunsad ng sariling “Dengvaxia Watch” at hotlines ang grupong Gabriela kung saan maaaring humingi ng tulong ang mga magulang ng mga estudyanteng nabigyan ng kontrobersiyal na bakuna kontra Dengue.
Layon din nito na matugunan ang mga magulang na gustong dumulog sa pamahalaan ngunit nahihirapang lumapit.
Ayon kay Gabriela Rep. Arlene Brosas, mahalagang malaman muna kung anong tunay na kalagayan ng bata at saka nila maaaring ilapit o makipag-ugnayan sa iba pang ahensya maaaring makatulong.
Nangako din ang Gabriela na kanilang tututukan kung naaaksyunan ang mga reklamong kaugnay sa kaso ng Dengvaxia.