Sumugod ang ilang kababaihan mula sa grupong Freedom from Debt Coalition sa Welcome Rotonda sa Quezon City.
Ito ay para iprotesta ang ipinatutupad na Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN Law ng pamahalaan.
Ipinunto ni Malou Nuera, Chairperson ng FDC Women’s Committee, ang ilaw ng tahanan o ang mga ina ang pangunahing tinatamaan ng pagtaas ng presyo ng ilang bilihin matapos na ipatupad ang TRAIN Law.
Nais din aniya nila na pag-aralan muli ng gobyerno ang bagong Tax Reform Law at tiyakin na hindi lamang mga mayayaman ang makikinabang dito.
Nakatakda namang magmartsa mamaya ang grupo patungong University of Santo Tomas at Mendiola para makiisa sa iba pang grupo ng mga kababaihan na nagsasagawa ng kilos protesta ngayong International Women’s Day.
—-