Mas mahaba ang magiging bakasyon ng mga empleyado ng gobyerno ngayong kapaskuhan.
Ito ay matapos na suspendihin ng Malakanyang ang pasok sa trabaho sa lahat ng tanggapan ng gobyerno sa Disyembre 26, isang araw pagkatapos ng pasko.
Sa pamamagitan ng Memorandum Circular 55 na nilagdaan ni Executive Secretary Salvador Medialdea, walang pasok sa buong executive branch, mga government financial institutions, state universities and colleges at local government units.
Layon nitong bigyan ng mas mahabang oras ang mga pamilya na makapag bonding ngayong kapaskuhan.
Hindi naman kabilang sa naging kautusan ang mga nagtatrabaho na may kinalaman sa pagbibigay ng serbisyo at kalusugan at disaster preparedness and response.
Una nang naglabas ng memorandum ang malakanyang na nag sususpinde naman ng pasok sa Enero 2 isang araw matapos ang bagong taon.