Inihanda na ng Department of Agriculture ang kanilang stratehiya para mapaganda ang agrikultura at produksyon ng pagkain sa bansa.
Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., makakatulong ito sa lokal na ekonomiya, at mapapaganda ang pamumuhay ng mga magsasaka at mangingisda.
Gayunman, aminado si Secretary Laurel na magiging hamon ang ipangangambahang epekto ng El Niño phenominon ngayon taon.
Dagdag pa ng kalihim, sinabihan na niya ang DA na kinakailangan niya ang kooperasyon nito upang matugunan ang hamon sa produksyon ng pagkain, lalo na sa El Niño phenomenon. - sa panulat ni Charles Laureta