Home NATIONAL NEWS Halos dalawang milyong pasahero, inaasahang dadagsa sa PITX ngayong Undas

Full force of the law, dapat daw gamitin laban sa mga sugar hoarder

by DWIZ 882 August 16, 2022 0 comment
SEN. GRACE POE

Iginiit ni Senador Grace Poe ang paggamit ng buong puwersa ng batas para panagutin ang sugar hoarders na nagpapalutang ng artificial shortage ng supply nito para maitaas ang presyo at muling umangkat ng asukal.

Sinabi ni Poe na mayroong artificial shortage dahil tambak ang supply ng asukal sa mga bodega na ayaw ilabas ng mga nagsasamantala.

Tiyak aniyang may permit mula sa Sugar Regulatory Administration (SRA) ang mga may ari ng warehouses na kailangang matukoy at posibleng bahagi ng sindikato kaya’t dapat managot. —sa ulat ni Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)

Comments

comments

You may also like

Leave a Comment