Muling pinagana ng Department of Education ang Public Assistance Command Center (PACC) upang tugunan ang mga concerns kaugnay sa pagbubukas ng School Year 2022-2023.
Pormal na nagsimula ang operasyon nito kahapon sa Central Office sa Pasig City, kasabay ng paglulunsad sa 2022 “Oplan Balik Eskwela.”
Ayon kay DepEd undersecretary for Governance and Field Operations Revsee Escobedo, sasagutin ng PACC ang mga concerns, complaints, at requests ng mga education stakeholders na may kinalaman sa enrollment at iba pang school opening preparations.
Maaaring tumawag ang publiko sa PACC contact numbers na; (02) 8636-1663, (02) 8633-1942, (02) 8638-7529, (02) 8638-7530, (02) 8638-7531, (02) 8635-9817, (02) 8634-0222, at (02) 8638-8641.
Pwede rin sa kanilang mobile numbers na 09194560027 at 0995921846; sa email, depedactioncenter@deped.gov.ph, at official facebook page ng DepEd.
Sinabi pa ng DepEd na maglalagay rin ng sariling command center ang kanilang mga Regional at Schools Division Offices.
Aprubadong resignation letter ng dalawang matataas na opisyal ng SRA na dawit sa sugar importation mess, inilabas ng Office of the Executive Secretary
Tinanggap na ni Execurive secretary Victor Rodriguez ang pagbibitiw sa pwesto nina Sugar Regulatory Administration Board Member Millers Representative Atty. Rolando beltran at SRA Administrator Hermenigildo Serafica.
Nilagdaan at inaprubahan kahapon, August 15, 2022, ni Rodriguez ang inihaing resignation letter ng dalawang nagbitiw na SRA officials.
Ayon sa Kalihim, effective immediately ang kautusan para sa tuluyang pag-alis sa pwesto nina Serafica at Beltran, na pawang dawit sa iligal na paglalabas ng resolusyon para sa pag-aangkat sana ng nasa 300,000 metric tons na asukal.
Kinumpirma naman ni Press Sec. Trixie Cruz Angeles ang pag-apruba ng Office of the Executive Secretary sa pagbibitiw sa pwesto ng dalawang opisyal ng SRA.—mula sa ulat ni Jopel Pelenio (Patrol 17)