Pinaalalahanan ng Biological and Forensic Anthropologist na si Dr. Richard Jonathan ‘RJ’ Taduran ang mga otoridad hinggil sa pagsunod sa tamang protocol sa crime scene handling.
Sa gitna na rin ito ng nagpapatuloy na paghahanap sa mga nawawalang sabungero sa Taal Lake.
Kaugnay nito, sinita naman ni Dr. Taduran ang ilang kumakalat na video ng mga personnels na pinipisil at pinipiga ang mga narekober na sakong hinihinalang naglalaman ng labi ng mga tao at hayop.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ng forensic anthropologist na mahalaga ang tamang preservation sa integridad ng ebidensya, maging ang pagsusuot ng P-P-Es sa mga investigators, gayong maaaring magkaroon ng pagbabago sa ebidensya kapag nai-prisinta na ito sa korte.
Sa kabila nito, pinuri naman ni Dr. Taduran ang pagiging organisado ng Philippine Coast Guard gayong ilang taon na rin ang nakalipas nang maitala ang pagkawala ng mga nasabing sabungero.