Inimbitahan ni Senador Tito Sotto ang Federation of Solo Parents sa kanyang tanggapan matapos ang kanyang kontrobersyal na biro sa single parent na si Social Welfare Secretary Judy Taguiwalo.
Nais ni Sotto na tiyakin na wala siyang intensyon na bastusin o maliitin ang mga single parent.
Layunin ng pag-imbita ng senador sa mga solo parent na alamin kung ano ang kanyang maitutulong sa mga ito upang mas maisulong ang kanilang karapatan at kapakanan.
Nais ding alamin ni Sotto kung ano pang mga panukalang batas ang maaaring isulong sa Senado para sa mga solo parent.
Matinding batikos ang inabot ni Tito Sen matapos biruin si Taguiwalo sa pagsasabing ang mga babaeng tulad ng kalihim na walang asawa pero may anak ay “na-ano lang” na isang salitang kalye.
By Drew Nacino | with report from Cely Bueno (Patrol 19)
Federation of Solo Parents inimbita ni Senator Sotto was last modified: May 9th, 2017 by DWIZ 882