Naniniwala si dating Comelec Commissioner Rene Sarmiento na malinaw na paglabag sa Omnibus Election Code ang pagtanggap ng kontribusyon ng mga kandidato mula sa mga pribadong kumpanya na humahawak sa ilang proyekto ng gobyerno.
Ito’y matapos aminin ng ilang mambabatas na sila ay nakakuha ng donasyon mula sa mga kontratista na nakatanggap ng flood control projects ng pamahalaan.
Sa panayam ng DWIZ, iginiit ni dating Commissioner Sarmiento na kinakailangang pagtuunan ng pansin ng pamahalaan ang ganitong uri ng katiwalian.
Binigyan diin pa ni dating Commissioner Sarmiento na kinakailangang magkaroon ng “fact-finding investigation” ang gobyerno at panagutin ang mga sangkot sa naturang korapsyon.