Balik na sa face-to-face ngayong araw ang ilang mag-aaral sa elementarya at sekondarya dahiil sa pagbaba ng kaso ng Covid-19.
Kasabay ito ng pagsisimula ng ‘expansion phase’ ng in-person classes sa National Capital Region (NCR) kung saan mas maraming paaralan ang nakasama.
Tinatayang nasa 28 paaralan ang unang napasama sa pilot phase habang hindi pa matiyak kung ilan na ito sa ilalim ng expansion phase.
Alinsunod sa guidelines ng DepEd, tanging ang mga paaralan lamang na nakasailalim sa alert level 1 at 2 ang pwedeng magsagawa ng face-to-face classes sa bansa. —sa panulat ni Abby Malanday