Isang eroplano ng United Airlines mula Rome patungong Chicago USA ang na-divert at lumapag sa Shanon Airport sa Ireland.
Ito ay matapos makatanggap ng bantang may bomba sa loob ng nasabing eroplano.
Sa ipinalabas na pahayag ng United Airlines, nagpasiya ang kanilang crew na mag-divert sa pinakamalapit na paliparan para na rin sa seguridad ng mahigit dalawang daang (200) pasaherong sakay ng nasabing eroplano.
Agad namang nagsagawa security screening sa lahat ng mga pasahero at mga bagahe matapos ang pangyayari.
Kasalukuyan namang iniimbestigahan ng pamahalaan ng Estados Unidos ang insidente at patuloy na inaalam ang intensyon sa natanggap na banta ng eroplano ng United Airlines.
—-