Base sa pag-aaral ng mga eksperto, ang stressed ay nanggagaling sa utak ng tao dahil sa dami ng iniisip at problema nito.
Dahil diyan, narito ang simpleng paraan upang malaman kung ikaw ay nakakaranas ng stressed.
- I-check ang pulso sa kamay at bilangin ang tibok ng puso sa loob ng isang minuto, kadalasan ang normal heart rate ay nasa 70 hanggang 80 na pagtibok sa loob ng 1 minuto pero kung ito ay lumagpas ng 80 bilang ng pagtibok sa loob ng 1 minuto, ibigsabihin, ikaw ay nai-stress.
- Malalaman din kung ang isang tao ay stress sa pamamagitan ng kanilang paghinga kung saan, tumataas ang balikat dahil humihinga ang mga ito ng malalim.
- Stress din ang isang indibidwal kapag mabilis o lumagpas sa 12 ang paghinga sa loob ng 1 minuto.
- Makikita din kapag nai-stress ang tao ay sumasakit ang mga balikat at leeg dahil sa paninigas nito.
- Stress din ang tao kapag nakasara, nakakamao o hindi relax ang mga kamay nito.
- Maging ang mga nakakaranas din ng pangangasim ng sikmura.
Para ito ay maiwasan, uminom ng kaunti o 3 lagok ng maligamgam na tubig kada 5 minuto, huminga ng malalim na may mabagal na pagbuga ng hangin, mag-stretching o mas mainam kung panatilihin ang pag-ehersisyo at irelax ang pag-iisip tulad ng pakikinig ng musika, paglilibang sa sarili o pag-iisip ng magagandang bagay. —sa panulat ni Angelica Doctolero