Lumagda sa isang kasunduan ang pamahalaan ng Pilipinas at Japan para sa pagpapabuti ng electricity infrastructure at pagpapahusay ng power generation sa mga bansa sa Southeast Asia.
Ayon sa Department of Energy o DOE, nilagdaan nina Energy Secretary Alfonso Cusi at Japanese Ministry of Economy Trade and Industry (METI) Deputy Director Kazuhisa Kobayashi ang letter of intent sa Japanese Prime Minister’s Office.
Nilalaman ng kasunduan ang panukalang paglalagay ng mga reliable facilities, pagsasanay sa pamahalaan ng Pilipinas at independent producers para mapalakas ang operasyon at maintenance ng thermal powers at rehabilitation diagnosis results sa plano.
Nakabatay naman ito sa pag-aaral ng METI sa sitwasyon ng supply demand outlook, electricity tariff, electrification rate at disaster resiliency sa Pilipinas.
Resulta rin ito ng serye ng pakikipag-ugnayan sa pagitan ng mga opisyal ng DOE at METI para masolusyunan ang isyu ng power sector sa bansa.
—-