Umabot na sa 15 election related violence ang naitala ng Philippine National Police, halos talong linggo matapos magsimula ang election period.
Ayon kay PNP Chief Director General Oscar Albayalde, naganap ang nasabing mga insidente sa loob ng election period na kinasasangkutan naman ng mga kandidato para sa darating na halalang Pambarangay at Sangguniang Kabataan.
Gayunman hindi pa matukoy ng PNP ang bilang ng mga nasawi dulot ng mga nasabing election related violence incidents.
Samantala, sumampa na sa 500 baril ang nakumpiska ng PNP dahil sa paglabag sa election gunban habang umabot na sa mahigit 800 ang naaresto.