Nilinaw ng infectious disease expert na si Doctor Edsel Salvaña na hindi lang sa Pilipinas ang naitatalang mababang booster uptake.
Sinabi ni Savalaña na kahit sa ibang mga bansa ay nakakaranas ng ganitong sitwasyon.
Gayunman kahit mababa anya ang bilang ng mga namamatay, marami pa rin ang nahahawa dahil sa mga mga bagong variants.
Dagdag pa ni Salvaña, na kailangang sabayan ito ng mas mataas na coverage lalo na ang bivalent booster upang dagdag proteksyon kontra sa COVID-19.
Magugunitang nagbabala ang Department of Health (DOH) na mababa ang booster uptake na apektado rin ang immunity coverage na isa sa mabisang panlaban sa malubhang pagkakasakit dulot ng omicron subvariant. – mula sa ulat ni Gilbert Perdez (Patrol 13) at panulat ni Jenn Patrolla