Patuloy ang mabilis na paglago ng ekonomiya ng Pilipinas sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ito ay batay sa pinakahuling ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) kung saan lumabas na 5.7% ang gross domestic product (GDP) ng bansa nitong unang quarter ng 2024.
Mas mataas ito kumpara sa naitalang 5.5% GDP noong huling quarter ng 2023.
Ayon sa PSA, kabilang sa pangunahing contributors sa mabilis na paglago ng ekonomiya ang financial at insurance activities (10%).
Kasama rin dito ang mga industriya ng wholesale and retail trade; motor vehicles and motorcycle repair (6.4%); at manufacturing (4.5%).
Nakapagtala rin ng year-on-year (YoY) growth sa unang bahagi ng taon ang lahat ng pangunahing sektor ng ekonomiya, katulad ng Agriculture, Forestry, and, Fishing (AFF) industry.
Sa kabila ng iba’t ibang hamong kinakaharap ng bansa, partikular na ang El Niño, nananatili pa rin ang Pilipinas bilang isa sa major emerging economies sa buong Asya.