Pinabubuksan ni presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion sa pamahalaan ang ekonomiya sa bansa sa lalong madaling panahon.
Ito ay para umano maibsan ang epekto sa presyo ng mga bilihin kung saan nasa pagitan pa rin ng gulo ang Russia at Ukraine.
Sinabi pa ni Concepcion, tumaas na ngayon ang presyo ng trigo bunsod ng kaguluhan.
Aniya, kailangan hindi na lumala pa ang kaguluhan sa Russia at Ukraine dahil posibleng mas tumaas pa ang presyo ng mga bilihin sa merkado.
Samantala, pinaghahanda naman ni Concepcion ang mga negosyante sa bansa sa magiging epekto sa ekonomiya ng naturang gulo.