Nais ng Department of Tourism (DOT) na ma-standardized ang presyo ng mga bilihin sa isang tourist spot sa Panglao, Bohol.
Ito ay kasunod ng nag-viral ang isang post ng turista na kamakailan lamang ay nagpunta sa Virgin Island kung saan umabot sa 26,000 pesos ang presyo ng mga pagkain nito.
Ipinag-utos naman ni Bohol Governor Aris Aumentado ang agarang pansamantalang suspensyon ng mga byahe papunta sa nasabing isla.
Samantala, iniimbetigahan na rin ng lokal na pamahalaan ng Bohol ang naiulat na umano’y overpriced seafood.