Kumikilos na ang gobyerno para bigyan ng ayuda ang mga naapektuhang munisipalidad sa Surigao del Sur matapos bayuhin ng Bagyong Auring.
Sinabi sa DWIZ ni Labor Secretary Silvestre Bello III na inatasan siya ng Pangulong Rodrigo Duterte na bigyan ng 30 motorized fiberglass banca ang kada isa sa 19 na coastal towns sa nasabing lalawigan.
Pinakakasa rin aniya sa kaniya ng pangulo ang cash-for-work program para sa mahigit 200 apektadong residente sa kada munisipalidad ng Surigao del Sur. —sa panayam ng Balitang Todong Lakas