Bumuo na ang Department of Justice o DOJ ng panel na mag-iimbestiga sa kasong isinampa ng Volunteers Against Crime and Corruption o VACC laban kay dating Pangulong Noynoy Aquino at iba pang opisyal kaugnay sa kontrobersyal na Dengvaxia vaccine.
Sa ilalim ng Department Order 0439, itinalaga ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre si Senior Assistant Special Prosecutor Rossane Balauag bilang chairperson ng panel.
Ang kaso ay may kaugnayan sa umano’y paglalabas ng Aquino administration ng 3. 5 billion pesos mula sa pondo ng bayan para ipambili ng Dengvaxia vaccines bago ang 2016 national elections.
Bukod kay Aquino, kasama sa kinasuhan sina dating Budget Secretary Butch Abad, dating Health Secretary Janette Garin, mga dati at kasalukuyang opisyal ng DOH at mga opisyal ng Zuellig at Sanofi Pasteur na siyang manufacturer ng Dengvaxia.
—-