Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 1,460 na bagong kaso ng Covid-19 na nagtulak sa bilang na 18,632 na aktibong impeksyon sa bansa.
Batay sa datos ng DOH tumaas sa 639 ang kaso mula sa 17,994 noong Huwebes kaya umabot sa 4,046,849 ang buong case load.
Aabot naman sa 64,845 ang death toll habang 3,963,372 ang mga gumaling sa sakit.
May pinakamataas pa rin na bilang ang National Capital Region na 5,535, sinundan ng CALABARZON, 2,194, Central Luzon; 1,064, Western Visayas; 841, at Cagayan Valley; 789. —sa panulat ni Jenn Patrolla