Nag–ikot na ang Department of Health o DOH sa mga malalaking ospital kalakhang Maynila, bilang bahagi ng kanilang kampanyang “Oplan Iwas Paputok”,
Ito ay upang matiyak ang kahandaan ng mga nasabing ospital sa pagtugon ng mga posibleng ma mabibiktima ng mga paputok ngayong kapaskuhan at pagsalubong sa bagong taon.
Pinangunahan ni Health Undersecretary Gerardo Bayugo ang paglilibot sa iba’t ibang ospital kung saan unang ininspeksyon ang Rizal Medical Center sa Pasig City.
Kasunod ang Quirino Memorial Medical Center sa Quezon City at huli ang UST Hospital sa Maynila.
Tiniyak naman ng mga kinatawan ng mga nasabing ospital ang kanilang kahandaang ngayong Kaspukahan lalo na sa pagsalubong ng Bagong Taon.
Una nang inanunsyo ng DOH na target nila ngayong taon ang zero o mas maliit na bilang ng casualties o injuries na dulot ng paputok.
Matatandaang nagpalabas ng Executive Order 28 si Pangulong Rodrigo Duterte na kumokontrol sa paggamit ng mga paputok sa pagsalubong sa Pasko at Bagong Taon.