Magkakaloob ng physical at mental health services ang Department of Health para sa mga pilipinong umuwi matapos maipit sa tensyon sa Middle East.
Ayon sa DOH, nakipag-ugnayan na sila sa Department of Migrant Workers para sa koordinasyon.
Magugunitang balik-bansa na nitong Martes ang nasa tatlumpu’t isang unang batch ng ofws mula Israel, Jordan, Palestine, at Qatar.
Bukod sa assessment, nauna na ring sinabi na makakatanggap ang mga naturang na-repatriate na Pilipino ng 150,000 pesos mula sa DMW at OWWA, bukod pa rito ang kaloob na transportation allowance pauwi sa kanilang mga lalawigan.