Inilatag na ng Department of Health ang guidelines sa pagtuturok ng COVID-19 booster shot sa mga batang edad 12 hanggang 17 na non-immunocompromised.
Batay sa Guidelines, dapat na hindi bababa sa limang buwan ang pagitan ng ikalawang dose ng primary series at booster shot.
Tanging Pfizer vaccine ang inirerekomendang booster sa naturang age group.
Maaaring mag-register sa LGU, Barangay o mag-walk in sa vaccination sites na nag-umpisa nang magturok ng booster sa mga bata.
Dapat ring dalhin ang Vaccination card, valid ID ng bata at parent o guardian, at dokumentong nagpapatunay ng kaugnayan ng dalawa.
Sinabi naman ni National Vaccination Operations Center Chairperson at Health Undersecretary Myrna Cabotaje, na sa oras na handa na ang mga lokal na pamahalaan ay maaari na nila itong ipatupad.