Target ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na makumpleto ang nasa dalawandaang planta ng kuryente sa loob ng susunod na tatlong taon.
Ayon kay Energy Secretary Sharon Garin, tinatayang 80 percent ng mga ito ay mula sa renewable energy, na magbibigay ng karagdagang 12 thousand megawatts upang palakasin ang supply ng kuryente at pababain ang singil sa bansa.
Inatasan din ng Pangulo ang DOE katuwang ang National Electrification Administration na tiyaking magkaroon ng kuryente ang mga liblib na lugar tulad ng Quezon, Camarines Norte, Palawan, Masbate, Samar, Negros Occidental, at Zamboanga del Sur.
Ang hakbang na ito ay bahagi ng pangako ni Pangulong Marcos sa kanyang ika-apat na State of the Nation Address ngayong taon.
—Sa panulat ni Jasper Barleta