Hiniling ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na maka-usap ang isang Consular Officer ng Philippine Embassy sa Netherlands.
Ayon sa Philippine Embassy sa The Hague, nakatanggap sila ng tawag mula sa isang International Criminal Court Detention Officer na ipinapaalam ang kahilingan ng dating pangulo.
Kaugnay nito, ipinarating din anya ng dating pangulo na sumailalim siya sa medical check-up at nakatanggap ng medical care.
Ipinapabatid pa anila ni Duterte na nasa mabuti siyang kalagayan.
Kinumpirma rin ng embahada na naka-usap na ng dating opisyal ang isa mga legal counsel nito na si Atty. Salvador Medialdea.
Samantala, humiling na ang embassy ng consular visit sa Registry of the ICC para sa maasistehan ang dating pangulo sa hiling nitong mapuntahan siya ng kanyang pamilya at legal counsel.—sa panulat ni Kat Gonzales