Sinisi ni CPP Founding Chairman Jose Maria Sison at NDF Founding Chairman Luis Jalandoni si Pangulong Benigno Aquino III at Presidential Adviser on the Peace Process Ging Deles sa di natutuloy na peacetalks.
Ayon kay Sison, ito ay dahil hindi ginagalang ng pamahalaan ang Joint Agreement on Safety and Immunity Guarantees o JASIG at binabalewala ang safe conduct pass na hawak ng kanilang mga consultant.
Iginiit ng dalawang lider na sa halip na hayaang makipag-usap ang mga consultant ay hinuhuli pa ang mga ito at nadadagdagan ang bilang ng consultants ng grupo na nakakulong.
By Katrina Valle | Jill Resontoc (Patrol 7)