Mahigpit na binabantayan ng Department of Foreign Affairs o DFA ang sitwasyon ng mga Filipino sa nagaganap na wildfire sa Redding California.
Ayon sa DFA patuloy din ang pagmo-monitor ng Philippine Consulate General sa San Francisco para matukoy kung may Filipino na ang naapektuhan ng sunog at kinakailangan ng agarang tulong.
Tiniyak naman ng Philippine Consulate General na nananatiling ligtas ang lahat ng mga Filipino sa lungsod ng Redding at wala pa silang natatanggap na ulat kung may nangangailangan na ng ayuda.
Batay sa tala ng Philippine Consulate General, aabot sa 224 na mga Filipino ang naninirahan sa Redding City.
—-