Nakatakdang ilabas ngayong araw ng Manila Regional Trial Court Branch 46 ang desisyon kaugnay sa kasong cyber libel sa mamamahayag na si Maria Ressa.
Ngunit hanggang sa huli ay nanindigan pa rin si Ressa na isa aniyang panggigipit ang isinampang kaso laban sa kaniya.
Nag-ugat ang kasong cyber liber sa isang artikulo na may “shady past” umano ang property developer na si Wilfredo Keng.
Mariing itinanggi naman ito ni Keng kaya’t nagsampa ng reklamo sa National Bureau of Investigation (NBI) noong 2017 laban kay Ressa, dating writer-researcher na si Reynaldo Santos Jr. at sa Rappler.
Samantala, ipinahayag ng panig ni Keng na handa silang lumaban sakaling iaapela ni Ressa at ng Rappler ang posibleng hatol na maaaring mauwi sa pagkakakulong mula anim na buwan hanggang pitong taon.