Ipinag-utos ng Department of Education ang paggamit ng Ingles at Filipino bilang mga pangunahing wikang panturo para sa mga mag-aaral mula kindergarten hanggang Grade 3.
Ayon kay Education Secretary Sonny Angara alinsunod ito sa DepEd Order No. 20 na nag-uutos na Pilipino at Ingles ang gagamitin sa K-to-3 program pati na rin ang Filipino Sign Language para sa mga estudyanteng hirap makarinig.
Gayunman, magsisilbi pa ring auxiliary instruction tools ang mga regional language, alinsunod sa R.A. 12027 o ang Act discontinuing the use of Mother Tongue as medium of instruction from kindergarten to Grade 3.