Inamin ng pamahalaan na malaking hamon para sa kanila na tugunan ang mga nasayang na araw sa pagtuturo dahil sa mga naipagpalibang klase noong kasagsagan ng bagyo at habagat.
Sinabi ni Education Secretary Sonny Angara, na batay sa findings ng EdCom, dumarami ang “days of learning loss” dahil sa epekto ng climate change, lalo’t kamakailan ay isang linggong nasa bahay lamang ang mga mag-aaral.
Bilang tugon, palalakasin pa anya ng DepEd ang paggamit ng alternative delivery mechanism tulad ng modules at learning sheets.
Gayunpaman, kailangan pa ring itaas ang antas ng suporta sa pamamagitan ng pamamahagi ng aktwal na aklat sa mga estudyante, lalo na para sa foundational learning sa Kinder hanggang Grade 3.
Kasabay nito, binigyang-diin ni Secretary Angara ang kahalagahan ng mga early childcare at daycare centers sa buong bansa, lalo na sa pinakamahirap na bayan para tiyaking hindi napag-iiwanan ang mga batang nasa malalayong komunidad.