Dinepensahan ng Department of Agriculture ang kanilang programa na bente pesos na bigas para sa mga magsasaka.
Ito ay matapos batikusin ng ilang farmers’ group ang nasabing programa at sinabing panakip-butas lamang ito para matugunan ang mas malaki pang mga suliranin na kinakaharap ng sektor ng pagsasaka.
Sa panayam ng DWIZ, ipinunto ni D.A. Assistant Secretary Arnel De Mesa na bukod sa bente pesos na bigas, namamahagi rin ang ahensya ng mga pinansyal na tulong, mga binhi, pataba, at iba pa sa mga magsasaka dito sa Pilipinas.
Sa kabila ng mga kritisismo, nanindigan si Asec. De Mesa na ipagpapatuloy pa rin ng pamahalaan ang pagbebenta ng bente-pesos na bigas sa mga vulnerable sector, gayundin sa mga magsasaka.