Tanging ang pinuno ng bansang Myanmar lamang ang hindi makadadalo sa gagawing ASEAN o Association of Southeast Asian Nations Summit dito sa Pilipinas.
Ito’y ayon kay Presidential Chief Protocol at ASEAN 2017 Director General for Operations Ambassador Maricano Paynor makaraang kumpirmahin ang pagdalo ng ASEAN heads of state sa nasabing pagpupulong.
Dahil dito, ipadadala na lamang ni Burmese President Htin Kyaw ang bantog na democracy icon ng Myanmar na si Aun San Suu Kyi.
Paliwanag ni Ambassador Paynor, tradisyon na ng mga pinuno ng bansang Myanmar na hindi dumadalo sa mga multilateral meetings kaya’t nagpapadala na lamang sila ng kinatawan.
By: Jaymark Dagala / Aileen Taliping