Home SPORTS Filipina tennis player Alex Eala, bigong makapasok sa semifinals ng Pan Pacific Open

Death toll sa flashfloods dulot ng shear line sa VisMin, nadagdagan pa

by DWIZ 882 December 30, 2022 0 comment
BAHA SA MISAMIS OCCIDENTAL

Sumampa na sa 44 ang nasawi bunsod ng pagbaha dulot ng pag-ulang dala ng shear line sa Visayas at Mindanao.

Batay sa pinakahuling datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) hanggang kaninang ala-6:00, pinakamarami sa mga nasawi ay mula sa Northern Mindanao.

Ayon sa NDRRMC, 28 ang nawawala habang 12 ang nasugatan.

Pumalo naman sa 130,000 pamilya o mahigit kalahating milyong katao na ang apektado ng kalamidad sa Northern Mindanao, Bicol Region, Zamboanga Peninsula, Davao Region, Eastern Visayas at CARAGA.

Kabilang na rito ang mahigit 15,000 pamilya o halos 67,000 indibidwal na nananatili sa mga evacuation center.

Comments

comments

You may also like

Leave a Comment