Kasabay ng pagpasok ng taong 2022, umakyat na sa 407 ang bilang ng nasawi sa pananalasa ng Super Typhoon Odette.
Sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, 78 ang nawawala at halos 1.2K ang nasugatan.
Umabot naman sa 4.8-M katao ang naapektuhan ng bagyo kabilang na ang nasa 330K nasa evacuation centers.
Mayorya ng mga nasalanta ay mula sa MIMAROPA, Regions 5, 6, 7, 8, 9, 10, 11, Region 12, CARAGA at BARMM. —sa panulat ni Drew Nacino