Pormal na kinasuhan ng pamahalaang lokal ng Quezon City sa Office of the Ombudsman si dating Mayor Herbert Bautista at dalawa pang opisyal.
Ito’y kaugnay sa ‘di otorisidong pagbili umano ng solar power system and waterproofing na nagkakahalaga ng P25-M na ilalagay sa itinatayong bagong gusali sa loob ng compound ng City Hall sa lungsod.
Batay sa reklamong inihain ni Atty. Carlo Lopez Austria, City Legal Department ng lungsod, hindi inaprubahan ng konseho ang paglalagay waterproofing sa roof deck ng civic building F.
Lumalabas na inaprubahan ni Bautista ang pagpapalabas ng nasabing halaga ng pondo kahit pa nabigo ang contractor na i-deliver ang mga kinakailangang materyales para sa nasabing proyekto.