Inihihirit ng isang labor group na madagdagan ang kontribusyon sa Pag-ibig fund.
Ayon kay Alan Tanjusay, tagapagsalita ng Trade Union Congress of the Philippines (TUCP), mas maganda kung magiging P200 ang kontribusyon ng mga manggagawa sa Pag-ibig mula sa kasalukuyang P100.
Ani Tanjusay , kapag nangyari ito lalaki rin ang maaaring makubra kasunod ng 20 taong maturity.
Sa P100 kontribusyon aniya, nasa mahigit P81,000 lamang ang makukuha ngunit kung itataas sa P200 ang kontribusyon aabot sa mahigit P160,000 ang makukubra sa nasabing panahon.
Target pa nila umanong paabutin ang kontribusyon hanggang P300 makalipas ng 3 o 4 na taon.
Ngunit pinaalala ni Tanjusay na dapat tapatan ng employer ang pagtataas ng kontribusyon ng mga manggagawa na inalmahan naman ng grupong Employers Confederation of the Philippines (ECOP).
Ayon sa ECOP nasa P50 lang ang kaya nilang idagdag sa kontribusyon sa ngayon.