Dapat pagtulungan na lamang ng Department of Agriculture at Public Works and Highways ang pagpapatupad ng mga farm-to-road o FMR projects.
Ito ang panawagan ni Abono Partylist Rep. Robert Raymund Estrella, taliwas sa hirit ni Senador Sherwin Gatchalian na ilipat na lamang sa DA ang proyekto sa halip na sa DPWH matapos mabunyag ang ₱10 billion ghost FMR.
Ayon kay Congressman Estrella, bagaman mas makabubuti na DA ang manguna sa mga proyekto ng farm-to-market roads dahil mas alam nito ang kondisyon sa kabukiran at kung saan kailangan ang mga kalsada, aminado siya na dapat pa ring makiisa ang DPWH dahil ito ang may “technical capabilities” pagdating sa disenyo at pagpapatayo ng mga kalsada.