Bumaba ng 7.75% ang crime rate sa bansa mula August 2024 hanggang June 2025.
Ito’y ayon sa datos ng Philippine National Police kung saan umabot sa 177,235 ang naitalang krimen ngayong taon; mas mababa kumpara sa 196,677 noong nakaraang taon.
Ayon kay P-N-P chief Gen. Nicolas Torre the third, bunga ito ng mas pinaigting na anti-criminality operations at pinalakas na police visibility sa buong bansa.
Mula 2022 hanggang 2025, nakapagsagawa ang pambansang pulisya ng kabuuang 153,609 operasyon laban sa iligal na droga na nagresulta sa pag-aresto ng mahigit 2,000 katao at pagkakasamsam ng aabot sa 54.6-bilyong-piso ng ipinagbabawal na gamot.
Giit ng PNP chief Torre, patuloy nilang pahuhusayin ang presensya at estratehiya ng pulisya upang makasabay sa pagbabago ng taktika ng mga kriminal.