Bumaba ng 5% ang positivity rate ng COVID-19 transmission sa National Capital Region (NCR).
Ayon ito sa UP-OCTA research team na nangangahulugang naabot na ng Metro Manila ang ideal rate na inirerekomenda ng World Health Organization (WHO).
Sinabi ng OCTA team na bumaba sa 5% sa unang linggo ng Nobyembre ang positivity rate sa NCR mula sa 8% sa huling linggo ng Setyembre.
Binigyang diin ng researchers ang rekomendasyon ng WHO na manatili sa below 5% ang positivity rate sa loob ng dalawang linggo bago ikunsider ng gobyerno ang re-opening ng ekonomiya.
Iniulat din ng OCTA team na tumaas sa nakalipas na tatlong linggo ang reproduction number ng virus na nagdudulot ng COVID-19 sa point 88 subalit nanatiling mas mababa sa one kung saan una nang inihayag ng team na ang higit sa 1% ay indikasyon na ang pandemya ay lumalaganap.