Iminungkahi ng Philippine Red Cross sa Department of Health (DOH) na gamitin ang saliva tests para mapataas ang kapasidad at kakayahan sa pag-detect ng COVID-19 infections.
Ayon kay Red Cross Chairman at Senador Richard Gordon, bagaman mayroon pang nagpapatuloy na pag-aaral ang DOH sa homemade antigen tests, mas mura naman ang saliva test.
Mas maigi anyang gamitin ng kagawaran ang saliva test sa halip na maglagay ng sariling antigen na kailangan pang i-report sa DOH.
Una nang pinayagan ng DOH. Ang professional regulation commission na magsagawa ng saliva test, na nagkakahalaga lamang ng P2K kumpara sa RT-PCR tests na P3K hanggang P5. -sa panulat ni Mare Valle