Kumpiyansa si House Committee on Public Accounts Chairman at Bicol Saro Partylist Rep. Terry Ridon na may mapapanagot sa kanilang imbestigasyon kaugnay sa mga sinasabing ma-anomalyang flood control projects sa bansa.
Partikular na tinukoy ni Rep. Ridon na posibleng makasuhan ay ang mga may kinalaman sa construction firm na may maliit na kapital pero nakakakuha ng bilyun-bilyong pisong mga proyekto.
Kabilang ang M.G. Samidan sa labinglimang contractor na tinukoy ni Pangulong Bongbong Marcos na tumanggap ng mahigit 100 billion pesos na kontrata mula sa kabuuang 545 billion peso flood control projects.
Bukod dito, naniniwala ang mambabatas na maaari ring mapanagot ang mga sangkot sa pagiging contractor ng kumpanyang humawak sa dalawang palpak na flood control projects sa Iloilo City at Bulacan.