Walang iimprentang extra ballots ang Commission on Elections (COMELEC) para sa May 9 elections.
Iginiit ito ni COMELEC Chairman Andres Bautista dahil posibleng magresulta lamang ito ng kalituhan sa botohan.
Sinabi ni Bautista na maaaging ma-doble ang resulta ng eleksyon kung bibigyan pa ng isang balota ang mga botante.
Una nang ipinabatid ng COMELEC na eksakto lamang ang bilang ng balota sa kabuuang bilang ng mga botante na nasa 54.3 million.
By Judith Larino