Nananawagan ang Commission on Elections sa mga mambabatas na aprubahan ang rekomendasyon nilang karagdagang budget para sa 2028 polls.
Ayon kay COMELEC Chairman George Erwin Garcia, layon nitong makakuha ng mas maraming voting machines na maaaring magamit din ng mas maraming presinto.
Kaugnay nito, hiling ng ahensya na ipagamit sa kanila ang mga private establishments upang mapawi ang hirap ng mga pilipinong nagsisiksikan sa mga elementary schools na ginagawang poll precincts.
Binigyang-diin din ng COMELEC na kailangan nito ang agarang aksyon ng mga mambabatas lalo na at tinatayang mas madaragdagan pa ang mga botante sa susunod na eleksyon.