Nagsimula nang mag-inspeksyon ang COMELEC o Commission on Elections sa mga makinaryang gagamitin na may kakayahang mag-imprenta ng isang milyong balota araw-araw para sa nalalapit na midterm election sa Mayo.
Nakatakdang simulan ang pag-iimprenta ng mga balota mula ik-12 ng Enero hanggang sa katapusan ng Abril.
Ayon kay Director Vicky Dulcero, vice chairman ng Poll Body Printing Committee, kinakailangan ng NPO o National Printing Office na makapag-imprenta ng balota para sa mahigit 60 milyong rehistradong botante sa darating na halalan.
Samantala, asahan naman sa susunod na linggo na ilalabas na ng COMELEC ang pinal na listahan ng mga opisyal na kandidato para sa 2019 midterm elections.